Wang Yi, nagpadala ng mensahe ng pakikidalamhati kay Teodoro Locsin

2019-01-29 19:18:59

Martes, Enero 29, 2019, nagpadala ng mensahe si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Teodoro Lopez Locsin, Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, bilang pakikidalamhati sa insidente ng malubhang pagsabog sa Jolo, Sulu.

Anang mensahe, matinding kinokondena ni Wang ang nasabing pag-atake. Nagpahayag din siya ng taos-pusong pakikiramay sa mga nasawi sa pagsabog, at malalimang pakikidalamhati sa mga nasugatan at mga kamag-anakan ng mga nasawi.

Diin ng mensahe, buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng mga porma ng terorismo, at nakahandang palakasin, kasama ng panig Pilipino, ang kooperasyon laban sa terorismo, upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon at buong daigdig.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino