Abu Sayyaf, nasa likod ng teroristikong pag-atake sa Jolo--Kalihim Lorenzana

2019-01-30 16:49:20 CRI

Ipinahayag kahapon, Martes, ika-29 ng Enero 2019, ni Kalihim Delfin Lorenzana ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa, na ang Abu Sayyaf ang nasa likod ng teroristikong pag-atake sa Jolo, Sulu. Dagdag niya, isinasagawa na ng panig militar ang operasyon, para mapuksa ang grupong ito.

Sinabi ni Lorenzana, noong Agosto ng nagdaang taon, natanggap ng panig militar ang impormasyong may tangka ang Abu Sayyaf na gawin ang teroristikong pag-atake sa mga lunsod sa katimugan ng bansa na gaya ng Jolo at Zamboanga. Pagkaraan nito, pinalakas aniya ng panig militar ang pagbabantay sa naturang mga lunsod, pero hindi pa rin napigilan ang naganap na pag-atake sa Jolo.

Ayon naman sa panig militar, simula kahapon, ipinadala ang mga tropang panlupa sa Sulu para sa operasyon laban sa Abu Sayyaf. Nang araw ring iyon, isinagawa rin ng mga eroplanong militar ang air raid sa mga kuta ng naturang grupo.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino