"Gala Show ng Paukphaw Carnival for Happy Chinese New Year 2019, " ginanap sa Yangon

2019-01-31 14:19:13 CRI

Yangon, Myanmar—Ginanap Miyerkules, Enero 30, 2019 ang Gala Show ng Paukphaw Carnival for Happy Chinese New Year 2019. Inihandog ng mga artista ng Tsina at Myanmar ang makukulay na palabas para sa mga manonood.

Hinggil dito, sinabi ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na nitong nakalipas na ilang taon, pasigla nang pasigla ang atmospera ng Chinese New Year sa Myanmar. Aniya, sa pamamagitan ng mga palabas, naramdaman ng mga manonood ang matapat at malalimang pagkakapatiran ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Saad naman ni Kyi Myint, Pangalawang Ministro ng mga Suliraning Panrelihyon at Kultura ng Myanmar, napakalaki ng papel na tagapagpasulong ng pagpapalitang kultural para sa relasyon ng Tsina at Myanmar.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino