Chinese speech contest, idinaos sa Confucius Institute sa Angeles University Foundation

2019-02-10 19:34:57 CRI

Sa pagtataguyod ng Confucius Institute sa Angeles University Foundation (AUF), idinaos kahapon, Sabado, ika-9 ng Pebrero 2019, sa Angeles City, ang ika-2 speech contest ng mga estudyanteng nagmemedyor sa Chinese teaching.

Lumahok sa finals ng paligsahang ito ang 13 estudyante. Sa ilalim ng temang "Wikang Tsino at Akin," isinalasay nila ang mga kuwento sa pagitan ng kanilang sarili at wikang Tsino.

Sa bandang huli, nagwagi ng unang gantimpala si Percia Adil, senior student ng AUF. Kumuha naman ng ikalawang gantimpala sina Kriza Mae Petalio, junior student, at Rebuta Khim Jr., freshman.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino