Lupong elektoral ng Thailand, hiniling ang pagbuwag sa Thai Raksa Chart Party

2019-02-14 11:22:07 CRI

Ipinahayag Pebrero 13, 2019 ng lupong elektoral ng Thailand, na ini-nominate ng Thai Raksa Chart Party si Princess Ubolratana Mahidol bilang kandidato sa pagka-punong ministro ng Thailand. Ito'y labag sa Constitutional monarchy ng bansa, dagdag ng lupong elektoral.

Alinsunod sa “Thai Pulitical Party Law,” hinihiling nito sa Hukuman ng Konstitusyon ng bansa na buwagin ang naturang partido.

Ipinahayag naman ng Thai Raksa Chart Party ang pag-asang didinggin ng lupong elektoral ang opinyon ng ibat-ibang panig, at bibigyan ng pagkakataon ang kanilang partido para magpaliwanag hinggil dito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino