Pasuguang Tsino sa Pilipinas, nagbigay ng kagamitang pang-IT sa pampamahalaang media ng Pilipinas

2019-02-14 16:53:50 CRI

Magkahiwalay na ibinigay, Pebrero 13, 2019 ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ang ilang kagamitang pang-IT sa Philippine Broadcasting Service (PBS) at Philippine News Agency (PNA) para i-upgrade ang kanilang kakayahang magsahimpapawid, sa larangan ng new media.

Mga ibinigay na kagamitang pang-IT ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas

Ang nasabing mga pasilidad ay kinabibilangan ng mga screen monitor, teleprompter, camcorder, digital camera, at smartphone.

Sa seremonyang idinaos sa punong himpilan ng PBS at PNA sa Quezon City, Metro Manila, sumaksi sa paglilipat sina Chinese Ambassador Zhao Jianhua at Kalihim Martin Andanar ng Philippine Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Sina Chinese Ambassador Zhao Jianhua (kaliwa), Kalihim Martin Andanar (gitna) ng PCOO, at ang namamahalang tauhan ng PNA

Sinabi ni Zhao Jianhua, na sa kanyang pagbisita sa Pilipinas noong katapusan ng taong 2018, binanggit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na napakahalaga para sa Tsina ang media cooperation at ang donasyong ito ay para matupad ang pangako ni Pangulong Xi sa mga kaibigang Pilipino. Ang pagpapalitan ng mga mamamayan ay pundamental na basehan ng magandang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa ni Zhao.

Sa ngalan ng PCOO, ipinahayag naman ni Andanar ang kanyang pasasalamat sa Pasuguang Tsino at mga mamamayang Tsino.

Aniya, binuksan nito ang bagong pahina ng tradisyonal na pagkakabigan ng Tsina at Pilipinas.

Ulat / Litrato: Sissi

Pulido: Rhio

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino