Kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Singapore, patuloy na bumuti noong 2018

2019-02-22 16:01:45 CRI

Sinabi kamakailan ng Kawanihan ng Turismo ng Singapore, na ayon sa inisyal na estadistika, noong 2018, bumisita sa bansang ito ang mahigit 3.4 milyong turista mula sa interyor ng Tsina, at ang bilang na ito ay lumaki ng 6% kumpara sa taong 2017. Nitong dalawang taong nakalipas, ang interyor ng Tsina ay nananatiling pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista sa Singapore.

Samantala, ayon sa Economic and Commercial Counsellor's Office ng Embahada ng Tsina sa Singapore, noong 2018, patuloy na bumuti ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Singapore nitong nakalipas na 6 na taong singkad, at sa panahon ding iyon, ang Singapore naman ay nananatiling pinakamalaking pinanggagalingan ng mga bagong puhunang dayuhan sa Tsina.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino