Misyon ng Tsina sa ASEAN, i-isponsor ang pagtatayo ng aklatan sa paaralan sa Jakarta

2019-02-22 17:02:27 CRI

Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-21 ng Pebrero 2019, ng Misyon ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na i-isponsor nito, kasama ng ASEAN Women's Circle, ang pagtatayo ng aklatan sa Al Ikhwan Elementary School sa Jakarta, Indonesya.

Sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na ito ang unang pagkakataong magbibigay-pondo ang kanyang misyon sa proyekto sa paaralan ng Indonesya. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan nito, ang pagkakaibigan ng Tsina at ASEAN ay magiging mas malalim sa puso ng mga batang henerasyon ng dalawang panig.

Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa ASEAN Women's Circle sa paglahok sa pagbibigay-tulong sa naturang proyekto.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino