Paghahanda para sa ikalawang US-NoKor Leaders' Summit, ayos na — Biyetnam

2019-02-24 15:23:38

Ipinahayag sa Hanoi Sabado, Pebrero 23, 2019, ni Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, na gumawa na ang kanyang bansa ng lubos na paghahanda para sa gaganaping ikalawang pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea.

Ipinahayag din niya na ikinagagalak ng kanyang bansa ang pagiging lugar na pagdarausan ng ikalawang US-NoKor Leaders' Summit. Nakahanda aniya ang Biyetnam na magbigay ng ambag para sa kapayapaan at katatagang pandaigdig, partikular na sa Korean Peninsula.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino