Tsina, nangungunang pinagmumulan ng mga turista sa Kambodya

2019-02-26 13:21:16 CRI

Ipinahayag Pebrero 25, 2019 ni Thong Khon, Ministro ng Turismo ng Kambodya na 6.2 milyong dayuhang turista ang bumisita sa Kambodya noong 2018, at ito ay lumaki ng 10.7% kumpara sa taong nakalipas. Sa mga ito, pinakamalaki ang bilang ng mga turistang Tsino, at ito ay umabot sa halos 2 milyong biyahero.

Nang araw ring iyon, sa aktibidad ng ika-7 Pambansang Araw ng Malinis na Lunsod, ipinahayag ni Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya na ang industrya ng turismo ay nagbibigay ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng kabuhayan, paghahanap-buhay, at pagpawi ng kahirapan ng bansa.

Salin:Lele

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino