Opisyal na pagdalaw ng lider ng DPRK sa Biyetnam, natapos

2019-03-03 15:47:31 CRI

Ayon sa ulat ng Vietnam News Agency, natapos Sabado, Marso 2, 2019, ni Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea, ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Biyetnam.

Sa panahon ng kanyang pagdalaw, magkahiwalay na kinausap at kinatagpo si Kim ng mga lider ng Biyetnam na kinabibilangan nina Pangulong Nguyen Phu Trong, Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc, at top legislator Nguyen Thi Kim Ngan.

Sinang-ayunan ng panig Hilagang Koreano at Biyetnames na panatilihin ang pagdadalawan sa mataas na antas, palawakin ang pagpapalitan ng mga delegasyon, pahigpitin ang pag-uunawaan, pangalagaan ang umiiral na mekanismo ng diyalogo't kooperasyon, at palalimin ang pagpapalitang pangkultura, pansining, pampalakasan at di-pampamahalaan. Sang-ayon din ang mga lider ng dalawang bansa na palakasin ang koordinasyon sa arenang pandaigdig.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino