Kooperasyon ng Tsina at Myanmar, angkop sa pangmatagalang kapakanan ng kanilang mga mamamayan-Embahador ng Myanmar

2019-03-13 16:59:30 CRI

Noong isang taon, positibong progreso ang natamo ng kooperasyon ng Myanmar at Tsina sa Belt and Road. Winika ito ni Thit Linn Ohn, Embahador ng Myanmar sa Tsina, nang kapanayamin kamakailan dito sa Beijing ng mamamahayag ng China Media Group (CMG).

Diin niya, ang kooperasyon Myanmar at Tsina ay angkop sa pangmatagalang kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Kasabay ng pagsulong ng Belt and Road Initiative, makakapaghatid ito ng mas maraming benepisyo sa iba't ibang bansa ng daigdig, lalong lalo na, sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga umuunlad na bansa, aniya.

Isiniwalat din niyang lalahok sa gaganaping ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) sa Beijing sa Abril si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar.

Salin: Vera

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino