Baha sa silangang Indonesya, ikinamatay ng 42

2019-03-17 16:19:03 CRI

Ayon sa ulat ngayong araw, Linggo, ika-17 ng Marso 2019, ng National Disaster Management Agency ng Indonesya, 42 katao ang nasawi, at 21 iba pa ang nasugatan sa baha na naganap kagabi sa lalawigang Papua sa silangang bahagi ng bansang ito.

Ayon pa rin sa ahensiyang ito, 150 pabahay, 1 tulay, at 9 na ospital ang nawasak din sa nabanggit na bahang dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan. Dagdag pa ng ahensiya, isinasagawa ngayon ang rescue works sa mga binahang lugar, at inihatid na ang mga tulong na materyal.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino