Unang China Book Center, itinatag sa UP Diliman

2019-03-19 15:21:27 CRI

Manila--Pormal na binuksan Lunes, ika-18 ng Marso, 2019 sa University of the Philippines Diliman ang China Book Center (CBC), unang ganitong sentro sa Pilipinas.

Se seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Tan Qingsheng, Charge d'affairs Ad Interim ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, na ang pagkakaibigan at pagkaunawan ng mga mamamayang Tsino't Pilipino ang pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa.

Ang pagkakatatag ng CBC ay palatandaan ng diwa ng pagbubukas at pagiging inklusibo ng UP, aniya.

Dagdag ni Tan, ito rin ay makakatulong sa pagkakaroon ng tamang impormasyon ng mga kabataang Pilipino tungkol sa Tsina.

Sinabi niyang ang kabataan ay kinabukasan ng bansa, kaya, umaasa siyang ang CBC ay maging bintana para malaman ng mga Pilipino ang kultura, kasaysayan at pag-unlad ng Tsina.

Ini-ekorahe rin niya ang mga dalubhasa at estudyanteng Pilipino upang maging embahador ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Michael L. Tan, Chancellor ng UP Diliman, na may masaganang kooperasyon ang UP sa mga pamantasan ng Tsina.

Aniya pa, ang pagkakatatag ng CBC ay mahalagang hakbangin sa pagpapasulong ng kooperasyon at pagpapalitan ng dalawang panig, sa larangan ng kultura at edukasyon. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng CBC, ibayo pang mapapalalim ang kooperasyon ng dalawang panig.

Sa kabilang dako, ayon kay Chen Shi, Deputy Editor-in-Chief ng China International Publishing Group, na ang pagkakatatag ng CBC ay isang bunga ng pagpapatupad ng mga kasunduan ng pamahalaan ng Tsina at Pilipinas.

Umaasa aniya siyang ang CBC ay magiging tulay ng mapagkaibigang pagpapalagayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at pagpapasulong ng mga aktibidad ng pagpapalitang pangkultura.

Sa seremonya, itinanghal din ng mga gurong Tsino ng Confucius Institute ng UP ang mga tradisiyonal na kulturang Tsino.

Ang CBC ay magkakasamang itinatag ng China International Publishing Group, Embahadang Tsino sa Pilipinas at UP.

Mayroon itong 1000 libro na may kinalaman sa kasaysayan, kultura, at kasalukuyang kalagayan ng Tsina.

Report: Ernest Wang
Larawan: Sissi Wang

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino