Mga proyektong pangkooperasyon ng pagbabawas ng kahirapan, pinakikinabangan na sa Lancang-Mekong region

2019-03-22 16:09:55 CRI

Sa Ika-2 Lancang-Mekong Week na idinaos kamakailan sa Nanning, Tsina, itinanghal ang natamong bunga ng mga proyekto sa mga bansa sa kabahaan ng Lancang-Mekong River, sa ilalim ng programa ng tulong na teknikal para sa demonstration cooperation sa pagbabawas ng kahirapan sa Silangang Asya.

Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, isinasagawa sa mga nayon ng Myanmar, Laos, at Kambodya, ang 6 na proyekto sa ilalim ng nabanggit na programa. Sumasaklaw ang mga proyekto sa aspekto ng pagpapabuti ng imprastruktura at pasilidad na pampubliko, pagpapaunlad ng agrikultura, at iba pa. Kabilang dito, ang proyekto ng tubig-inumin sa Myanmar, at proyekto ng pagtatanim ng mga gulay sa greenhouse sa Laos ay pinakikinabangan na ng mga lokal na mamamayan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino