Lahat ng medalya ni Thailand Ex-PM Shinawatra, kinansela ni Haring Maha Vajiralongkorn

2019-03-31 15:34:19 CRI

Ayon sa proklamasyong inilabas Sabado, Marso 30, 2019 sa opisyal na website ng pamahalaang Thai, ipinahayag ni Haring Maha Vajiralongkorn ng Thailand na ang pagtakas ni dating Pumong Ministro Thaksin Shinawatra sa kanyang kaso ay di-angkop na kilos. Kaya, pinawalang-bisa niya ang lahat ng iginawad na medalya't panangal kay Shinawatra.

Mula noong 2001 hanggang 2006, nanungkulan si Shinawatra bilang Punong Ministro ng Thailand. Makaraang pabagsakin ng coup detat ang pamahalaan ni Thaksin, tumatakas siya sa ibayong dagat sa mahabang panahon. Noong Oktubre, 2008, nahatulan siya ng dalawang taong pagkabilanggo dahil sa kaso ng ilegal na pagbili ng lupa.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino