Kompanyang Tsino, ibinahagi ang karanasan sa digital technology sa mga bansang ASEAN

2019-04-05 16:19:53 CRI

Idinaos kahapon, Huwebes, ika-4 ng Abril 2019, sa Chiang Rai, Thailand, ang Pulong ng mga Ministrong Pinansyal ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang pagpapaunlad ng digital economy ay isa sa mga pangunahing paksa ng pulong na ito.

Bilang espesyal na inanyayahang panauhin, lumahok sa pulong si Jing Dongxian, Executive Chair at CEO, ng Ant Financial Services Group, kompanya sa ilalim ng Alibaba Group ng Tsina, na nagpapatakbo ng Alipay, isa sa mga pinakamalaking mobile at online payment platform ng bansa.

Isinalaysay ni Jing sa mga opisyal ng iba't ibang bansang ASEAN ang hinggil sa mga karanasan sa pagpapaunlad ng digital technology sa Tsina, papel ng mobile at online payment para sa pag-unlad ng E-commerce, ambag ng digital technology para sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino, at iba pa.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino