Pangulong Lao, lubos na pinapurihan ang konstruksyon ng Sino-Lao railway project

2019-04-06 15:00:40 CRI

Naglakbay-suri Biyernes, Abril 5, 2019, si Pangulong Bounnhang Vorachit ng Laos sa construction site ng Sino-Lao railway. Binigyan niya ito ng lubos na papuri.

Ipinahayag ng Pangulong Lao na sa ilalim ng mahigpit na kooperasyon at pagsisikap ng Tsina at Laos, maalwan ang mga progreso ng railway project ng dalawang panig. Aniya, ang Sino-Lao railway project ay malaking proyektong pangkooperasyon sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng dalawang bansa. Ito aniya ay tiyak na nakakapagpasulong sa pag-unlad ng pambansang kabuhayan, at nakakapagpataas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Lao.

Hiniling din niya sa iba't-ibang departamento, pamahalaan sa iba't-ibang lebel sa kahabaan ng daam-bakal, at mga mamamayan na puspusang suportahan ang konstruksyon ng Sino-Lao railway at magbigay hangga't makakaya ng ginhawa sa konstruksyon ng proyektong ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino