Halalang pampanguluhan ng Indonesia, idinaos

2019-04-17 15:31:04 CRI

Idinaos Miyerkules, Abril 17, 2019, ang halalang pampanguluhan ng Indonesia. Mahigit 190 milyong rehistradong mamamayan ang pumunta sa mahigit 800 libong polling precints sa buong bansa para bumoto at maihalal ang bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

Upang maigarantiya ang maayos na pagsasagawa ng halalan, idineploy na ng pamahalaang Indones ang halos 600 libong pulis at sundalo sa buong bansa. Bukod dito, pinalakas ng mga awtoridad ang seguridad sa paligid ng mga polling precints.

Sa karaniwang kalagayan, tatagal ng mahabang panahon ang pagbibilang ng mga boto, at lalabas ang resulta ng halalang ito sa unang dako ng darating na Mayo.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino