Widodo at Prabowo, kapuwa nagpahayag ng tagumpay sa halalang pampanguluhan

2019-04-19 15:17:51 CRI

Kapuwa di-opisyal na ipinahayag nitong Huwebes, Abril 18 nina Pangulong Joko Widodo at dating heneral Prabowo Subianto ang pagkapanalo sa pambansang halalan na natapos nitong Miyerkules.

Sinabi ni Widodo na batay sa quick count (QC) na ginawa ng 12 survey organization, nakuha niya ang 54.5% ng mga boto. Samantala, inilahad naman ni Prabowo na nanalo siya ng 62% ng mga boto.

Nakatakdang ilabas sa unang dako ng darating na Mayo ang opisyal na resulta ng katatapos na halalang pampanguluhan ng Indonesia.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino