Multilateralismo, globalisasyon at pagpapanatili ng bukas na ekonomiyang pandaigdig, kailangan - Zhou Xiaochuan

2019-04-24 18:55:48 CRI

Sa pagdaraos, Abril 23, 2019 sa Maynila ng sesyong plenaryo ng Boao Forum for Asia (BFA) Manila Conference, ipinahayag ni Zhou Xiaochuan, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, na sa harap ng mga pagbabagong nararanasan sa daigdig, kailangang igiit ang multilateralismo, pasulungin ang globalisasyon at panatilihin ang pagbubukas ng ekonomiyang pandaigdig.

 Aniya, wala pang kalutasan ang mga probelmang tulad ng seguridad pangnuklear, alitang heopolitikal, teroristikong pagsalakay at pagpasok ng mga refugee.

Nawawala rin aniya ang puwersang panulak sa paglaki ng kalakalan at kabuhayan ng daigdig.

Kasabay nito, ang mga di-tradisyonal na bantang tulad ng pagtanda ng populasyon at digital gap ay nakakaapekto sa kinabukasan ng pandaigdigang ekonomiya, aniya pa.

Kaya, napakahalaga aniya ng pagtutulungan at pagsasama-sama upang maayos na harapin ang mga hamong ito.

Samantala, ipinahayag naman ni Gloria Macapagal-Arroyo, Board Member ng BFA at Ispiker ng Kamara De Representantes, na ang multilateralismo ay landas patungong pangmatalagang kalunlaran, at nakahanda ang Pilipinas, kasama ng Tsina para pangalagaan ang malaya at pantay na pantay na kalakalan, tungo sa pagtupad ng win-win na situwasyon.

Kalahok sa dalawang araw na Boao Forum for Asia Manila Conference, ang mahigit 500 kinatawan ng pamahalaan, bahay-kalakal, media at iba pang sektor mula sa Tsina't Pilipinas.

Ito ay may temang "Concerted Action for Common Development in the New Era."

Ulat/Larawan: Sissi
Pulido: Rhio/Jade
Web-edit: Jade

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino