Tsina at Switzerland, lumagda sa Bilateral Currency Swap Agreement

2014-07-21 16:21:22

Ayon sa bangko sentral ng Tsina, pagkaraang aprobahan ng Konseho ng Estado ng bansa, lumagda ngayong araw ang People's Bank of China at Swiss National Bank sa Bilateral Currency Swap Agreement na nagkakahalaga ng 150 bilyong Yuan, RMB/21 bilyong Swiss Franc. Ito ay naglalayong magkaloob ng pagkatig sa bilateral na pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan, at pangalagaan ang katatagan ng financial market ng dalawang bansa. 

Magkakabisa ng tatlong taon ang naturang kasunduan, at maari itong pahabain kung sasang-ayon ang dalawang panig. 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino