China-CELAC Forum, modelo ng South-South Cooperation

2015-01-09 15:46:32 CRI

Sa kanyang talumpati sa unang pulong ministeryal ng Porum ng Tsina at Community of Latin American and Caribbean States(CELAC) na idinaos sa Beijing, ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na ang pagtatatag at pagpapabuti ng China-CELAC Forum ay nagsisilbing kahilingan at tunguhin sa pagpapalalim ng pagtutulungan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang magiging modelo ng South-South Cooperation ang kasalukuyang komperensiya, batay sa pagpapakita at paggalang sa paninindigang pampulitika ng ibat-ibang panig, pagbalangkas ng kongkretong plano, at pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.

Sinabi ni Wang na ang pagpapasulong ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ay ang nukleo ng porum. Nakatakda aniyang balangkasin sa kasalukuyang pagtitipon ang “China-CELAC Cooperation Landscape 2015-2019.” Kabilang dito ang pagtutulungan sa 13 larangang gaya ng pulitika, seguridad, siyensiya at teknolohiya, kalakalan, pamumuhunan, pinansya, imprastruktura, enerhiya, agrikultura at iba pa. Umaasa aniya siyang sisimulan ang operasyon ng mga proyektong pangkooperasyon na itinakda sa China-CELAC Forum, sa lalong madaling panahon. Para makinabang aniya ang mga mamamayan ng dalawang panig mula rito.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino