Tsina at Switzerland, itatatag ang malikhaing estratehikong partnership

2016-04-09 17:58:04 CRI

Tsina at Switzerland, itatatag ang malikhaing estratehikong partnership

Sa kanilang pag-uusap kahapon, Biyernes, ika-8 ng Abril 2016, sa Beijing, sinang-ayunan nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Johann Schneider-Ammann ng Switzerland, na itatag ang malikhaing estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Ayon sa dalawang lider, ang pagkakapantay-pantay, paggagalangan, at pagpapalitan ay pundasyon ng malikhaing estratehikong partnership ng dalawang bansa. Para mapasulong ang partnership na ito, dapat anila palakasin ng Tsina at Switzerland ang diyalogo at pagsasanggunian, at magkasamang isagawa ang kooperasyon sa usapin ng inobasyon sa iba't ibang aspekto ng kani-kanilang bansa.

Ipinahayag din ng dalawang lider ang kahandaang isagawa ang kooperasyon sa loob ng balangkas ng "Belt and Road" initiative at Asian Infrastructure Investment Bank. Dagdag pa nila, palalakasin ng Tsina at Switzerland ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga patakaran sa suliraning pandaigdig, para pasulungin ang mapayapang paglutas sa mga sagupaan, at pabutihin ang pandaigdig na pangangasiwa sa kabuhayan at pinansyo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino