Dapat kilalanin ng Taiwan ang “1992 Komong Palagay”-Samahan ng Switzerland para sa Unipikasyon ng Tsina

2016-06-20 15:03:40 CRI

Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas ng Samahan ng Switzerland para sa Unipikasyon ng Tsina, nitong Linggo, Hunyo 19, 2016 sa Berne, Switzerland, hinimok nito ang bagong puno ng Taiwan na si Tsai Ing-wen na kilalanin ang komong palagay na narating ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits noong 1992(1992 Komong Palagay), at itigil ang anumang pananalita at aktibidad na makakasama sa mapayapang pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits.

Anang pahayag, sapul ng maging puno ng Taiwan, noong Mayo 20, 2016, itinatanggi ni Tsai ang “1992 Komong Palagay” at “Prinsipyong isang Tsina.” Anito, sa kasaysayan at hinaharap, hindi mababago ang katotohanang kapuwa naging at magiging bahagi ng nasyong Tsino ang mainland at Taiwan. Hinihimok ng nasabing pahayag ang puno ng Taiwan na itakwil ang anumang pananalita at aktibidad na hahadlang sa mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits; agarang kilalanin  ang “1992 Komong Palagay,” na makakatulong sa interes ng mga taga-Taiwan, kaunlarang pangkabuhayan ng Taiwan at pangangalaga sa katatagan ng kalagayan sa Taiwan Straits; at magkasamang pangalagaan ang Prinsipyong isang Tsina para sa muling kasiglaan ng nasyong Tsino.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino