Kaarawan ni Rizal, Ginunita sa Jinjiang, Tsina

2016-06-29 15:09:52 CRI

Nag-alay ng bulaklak sa Rizal Shrine si Consul General Julius Caesar Flores ng Konsulada ng Pilipinas sa Xiamen.

Ginunita nitong Hunyo 24, 2016 sa Jinjiang ng lalawigang Fujian ng Tsina ang ika-155 Kaarawan ni Jose Rizal. Nag-alay ng bulaklak sa Rizal Shrine si Consul General Julius Caesar Flores ng Konsulada ng Pilipinas sa Xiamen sa monumento ng bayani. Dumalo sa wreath laying ang mga opisyal ng lunsod, kinatawan ng Filipinos in China (FinCh) at mga diplomata mula sa konsulada.

Si Consul General  Flores habang kinakapanayam ng CRI Serbisyo Filipino.

Sa panayam ng CRI Serbisyo Filipino sinabi ni Consul General Flores, mahalaga ang katuturan ng parke sa Pilipinas at Tsina dahil mahaba ang kasaysayan ng ugnayan sa pagitan ng mga mamayan ng dalawang bansa. Patunay nito ang mga ninuno ni Rizal na matutunton sa Jinjiang.

Jinjiang bukas sa pagpapahigpit ng ugnayan sa Pilipinas

Sinabi ni Chen Ling, Deputy Director General of Overseas Chinese, Taiwanese and Foreign Affairs Bureau, Jinjiang Municipal People's Government, mahigit 1 milyong overseas at ethnic Chinese sa Pilipinas ay galing sa Jinjiang. Pinahahalagahan aniya ng pamahalaang lunsod ang mapagkaibigang relasyon sa Pilipinas at winewelkam ang pagpapahigpit ng dalawang panig ng mga pagpapalitan sa kultura, kabuhayan at kalakalan, para isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Umaasa siyang mapapanatili ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas nang walang hanggan at puno siya ng pananalig hinggil dito.

Kaarawan ni Rizal, Ginunita sa Jinjiang, Tsina

Si Consul General Flores (ika-4 sa kaliwa ), kasama ang mga opisyal ng Jinjiang City na pinamumunuan ni Chen Ling (ika-5 sa kanan), Overseas Chinese and Foreign Affairs Bureau, Daniel Osillos (ika-2 sa kanan), kinatawan ng FinCh at diplomata mula sa Konsulada‍.

Malaki ani Flores ang pasasalamat niya sa pamunuang lunsod ng Jinjiang sa pag-aalaga sa pinakamalawak at pinakamagandang Rizal Shrine sa labas ng Pilipinas at nag-iisa sa buong Asya. Dagdag ni Chen, upang maayos na pangalagaan ang Rizal Park, inilaan ng pamahalaan ng Jinjiang City ang espesyal na pondo para rito, bukod dito, itinatag ng distritong kinaroroonan ng parke ang isang grupo para isagawa ang mga gawain na gaya ng pangangalaga at pagkukumpuni.

Rizal Bust, inalay sa Museo ng Jinjiang

Tinanggap ng Museo ng Jinjiang para sa Rizal section nito ang donasyon ng konsulada na busto ni Rizal  (Clockwise: sina ConGen Flores; Chen Ling; Xu Pengfei, Pangalawang Direktor ng Culture, Sports, Press and Publication Bureau ng Jinjiang; Wu Jinpeng, Curator ng Jinjiang Museum ).

Tinaggap ng Museo ng Jinjiang para sa Rizal section nito ang donasyon ng konsulada na busto ni Rizal, manuscript ng pelikulang Rizal at isang paper fold ng monumento. Sa tulong ng mga ito, nawa ay mas dumami ang kaalaman ng mga taga Jinjiang hinggil kay Jose Rizal.

Sa kanyang ika 155 kaarawan, hangad ni ConGen Flores na nawa pahalagahan ng kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino ang bigat ng kontribusyon ni Rizal sa kultura at kasaysayan. At ang kanyang pagkukusang matuto ng iba't ibang dayuhang wika.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino