GLP financial project, nakatakdang pumasok sa Chongqing

2016-08-17 15:05:42

Nitong Martes, Agosto 16, 2016, nilagdaan ng Global Logistic Properties (GLP) Limited ang kasunduan para pumasok sa Chongqing ng Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag ni Huang Qifan, Alkalde ng Chongqing, na ang mga isasagawang serbisyo ng GLP ay sasaklaw, hindi lamang sa lunsod ng Chongqing, kundi maging sa dakong gitna at kanluran ng bansa. Sasaklaw din ito aniya sa iba't-ibang aspekto ng konstruksyon ng "Belt and Road," kaya napakalawak ng prospek ng pag-unlad nito, dagdag pa niya.

Ang GLP Limited ay mula sa Singapore. Ang pangunahing serbisyo nito ay pamamahala sa pondo, at modernong logistics, na matatagpuan sa 118 pamilihan sa buong daigdig.

Ang lunsod ng Chongqing ay tampok sa ika-3 proyektong pangkooperasyon sa pagitan ng Pamahalaang Tsino at Singaporean. Ang kooperasyong pinansyal naman ay isa sa apat (4) na pangunahing larangang pangkooperasyon ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino