International Youth Summer School 2016, binuksan

2016-08-18 14:10:10 CRI

Miyerkules, ika-17 ng Agosto, 2016, Beijing—Binuksan dito ang International Youth Summer School 2016 na may temang "Bridging Cultures with Business Experience." Mahigit 60 tao mula sa mahigit 20 bansang kinabibilangan ng Tsina, Biyetnam, Italya, Alemanya, Britanya, at Estados Unidos ang lumalahok sa naturang 6-araw na aktibidad.

Ang nasabing summer school ay magkasamang itinataguyod ng China Soong Ching Ling Foundation (CSCLF) at Youth Time International Movement (YTIM).

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Qi Mingqiu, Pirmihang Pangalawang Tagapangulo ng CSCLF, na ang pagdaraos ng nasabing aktibidad ay naglalayong, pangunahin na, pasulungin ang pagtalakay ng mga namumukod na kabataang Tsino't dayuhan at mga dalubhasa't iskolar sa mga larangang gaya ng komersyo at may inobasyong pagpapasimula ng negosyo ng pagkakataon at hamong kinakaharap ng mga kabataan, at pagtatamasa ng karanasan at katalinuhan.

Ayon naman kay Julia Kinash, Tagapangulo ng YTIM, na nagkakaloob ang kanyang organisasyon ng pagkakataon para sa diyalogo sa pagitan ng mga kabataan at mga kilalang personaheng propesyonal at dalubhasa, upang maisakatuparan ang bukas na diyalogo sa pagitan ng mga bata at matandang henerasyon, at ng lipunan at mga organisasyong pampamahalaan.

Itinatag ang YTIM sa Prague, Czech Republic, noong Disyembre ng 2010. Nagpupunyati ito para ilatag ang plataporma ng pagpapalitan ng magkakaibang kultura at taong may magkakaibang gulang. Sapul noong 2011, idinaos ang ganitong summer school sa Rusya, Czech Republic, Croatia, Italya at Alemanya.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino