Pinalakas na pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, patuloy

2016-08-19 10:31:07 CRI

Pinalakas na pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, patuloy

Si Xu Ningning, Puno ng Konsehong Pangnegosyo ng Tsina at ASEAN

Idinaos noong Agosto 18, 2016 sa Beijing ang preskon bilang pagdiriwang sa Ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Dialogue Partnership ng Tsina at ASEAN. Pinanguluhan ang pulong ni Xu Ningning, Puno ng Konsehong Pangnegosyo ng Tsina at ASEAN.

Pinalakas na pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, patuloy

Inilahad ni Xu na sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing partnership sa taong 2016, dadalo ang mga lider ng Tsina at ASEAN sa pagtitipon ng paggunita na nakatakdang idaos sa Tsina, sa darating na Setyembre. Aniya, isasapubliko ng dalawang panig ang mga may-kinalamang dokumentong kinabibilangan ng “Summit Joint Statement ng Tsina at ASEAN,” at “Magkasanib na Pahayag sa Pagtutulungan hinggil sa Produktibong Kakayahan ng Tsina at ASEAN.” Aniya, ito ay hindi lamang makakatulong sa pagpapasulong ng “Belt at Road Initiative” na itinataguyod ng Tsina, kundi maging isang mahalagang pangyayari sa pagtutulungang panrehiyon sa pagitan ng Tsina at mga kapitbansa nito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino