Tsina, nagbigay ng mahalagang ambag sa paglaki ng kabuhayang Amerikano--report

2016-08-19 18:18:03 CRI

Nagpalabas ng ulat, kahapon, Huwebes, ika-18 ng Agosto 2016, ang US-China Business Council, na nagsasabing ang Tsina ay nagbigay ng mahalagang ambag sa paglaki ng kabuhayan ng Amerika.

Anang ulat, ayon sa mga estadistika nitong 2 taong nakalipas, ang Tsina ay ika-3 pinakamalaking pamilihang nag-angkat ng mga paninda mula sa Amerika, at ika-4 na pinakamalaking pamilihang nag-angkat ng mga serbisyo mula sa bansang ito.

Ipinahayag naman ni John Frisbie, Pangulo ng US-China Business Council, na mahalagang mahalaga ang pagluluwas sa Tsina para sa paglaki ng kabuhayan at pagbuti ng paghahanapbuhay ng Amerika.

Ayon pa rin sa naturang ulat, nakikinabang sa pagluluwas sa Tsina ang maraming sektor ng Amerika, na gaya ng kagamitang panghatid, agrikultura, komputer, produktong elektroniko, kemikal, turismo, edukasyon, serbisyong pinansyal, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino