Tsina, nakahandang magkaloob ng tulong sa Myanmar

2016-08-26 10:46:31

Ipinahayag Huwebes, Agosto 25, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang isang mapagkaibigang kapitbansa ng Tsina, nagpahayag ang panig Tsino ng simpatya at pakikiramay sa mga nasawi at kapinsalaan sa ari-arian na dulot ng lindol sa Myanmar. Batay sa takbo ng kalagayan ng kalamidad at pangangailangan ng Myanmar, nakahanda aniya ang Tsina na magkaloob ng kinakailangang tulong sa naturang bansa.

Kinumpirma Huwebes ng pamahalaan ng Myanmar na hanggang Huwebes ng hapon, 3 katao ang namatay at 2 ang nasugatan sa 6.8 magnitude na lindol na naganap nitong Miyerkules sa kalagitnaan ng bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino