Mga sand sculpture, nililikha para salubungin ang gaganaping G20 Summit

2016-08-26 17:41:36 CRI

Zhoushan, Lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina—Isang pandaigdigang pagtatanghal ng mga sand sculpture ang kasalukuyang inihahanda dito para salubungin ang gaganaping G20 Summit sa Hangzhou, Lalawigang Zhejiang ng Tsina, sa susunod na buwan.

Isang eskultor ang gumagawa ng sand sculpture na may elementong Tsino.

Mga eskultor habang lumilikha ng sand sculpture.

Mahigit sampung eskultor mula sa Tsina, Netherlands, Kanada, Espanya, Czech Republic at iba pang bansa ang gumagawa ng mga istatuwa ng mga katangi-tanging landmark at kilalang cartoon characters ng mga kasaping bansa ng G20.

 Istatuwang may temang toy bricks na ginagawa ng isang babaeng eskultor mula sa Netherlands.

Lumilikha ng istatuwa ang isang Canadian eskultor.