Lider ng Tsina at Biyetnam, nag-usap

2016-08-30 13:10:51 CRI

Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo sa Beijing noong Agosto 29, 2016 si Gen.Ngo Xuan Lich, dumadalaw na Ministrong Pandepensa ng Biyetnam nina Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo at Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Tsina.

Ipinahayag ni Li na nagdalawan noong 2015 sina Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Communist Party of China(CPC) at Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trọng ng Communist Party of Vietnam(CPV), at tiniyak ng dalawang lider ang direksyong pangkaunlaran ng dalawang bansa. Aniya, bilang dalawang sosyalistang bansa ng daigdig, may pag-asang pahihigpitin ng Tsina at Biyetnam ang pagtitiwalaang pampulitika, palalalimin ang mapagkaibigang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, maayos na hahawakan ang mga pagkakaiba ng palagay, para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Gen.Ngo Xuan Lich na sa masalimuot na kalagayang panrehiyon at pandaigdig, nakahanda ang Biyetnam na magsikap, kasama ng Tsina, para ibayong palakasin ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.

Ipinahayag ni Fang Changlong na nananatiling mainam ang relasyon ng hukbo ng Tsina at Biyetnam, at bumubuti at humihigpit ang mekanismong pangkooperasyon at mapagkaibigang pragmatikong pagpapalitan ng dalawang hukbo sa ibat-ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam para ibayong palalimin ang pagtutulungan at maayos na lutasin ang pagkakaiba ng palagay, para sa pagsasakatuparan ng magkakasamang pag-unlad at seguridad ng bansa't rehiyon.

Ipinahayag naman ni Gen.Ngo Xuan Lich na positibo ang Biyetnam sa tradisyonal na pagkakaibigan sa Tsina. Nakahanda aniya ang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang kanilang relasyong militar, na maging pundasyon sa pagpapasulong ng pagtutulungan ng dalawang partido at estado, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng tiwalang pampulitika, at pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino