Komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam, palalakasin

2016-08-30 15:25:41

Komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam, palalakasin


Sina Gen. Ngo Xuan Lich (sa kaliwa) at Li Yuanchao (sa kanan)

Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing Lunes, Agosto 29, 2016, kay Gen. Ngo Xuan Lich, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Ministro ng Tanggulang Bansa ng bansang ito, sinabi ni Li Yuanchao, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Pangulo ng bansa, na noong isang taon, naisakatuparan ang pagdadalawan sa isa't-isa nina Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng CPC, at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPV. Ito aniya ay nakapagbigay ng direksyon para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames sa bagong panahon.

Idinagdag din niya na dapat palalimin ng dalawang panig ang pagtitiwalaang pulitikal, at dapat ding palakasin ang mapagkaibigang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para mapasulong ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Gen. Ngo Xuan Lich na nakahanda ang kanyang bansa na mataimtim na isakatuparan kasama ng Tsina, ang narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa para ibayo pang mapalakas ang pagkakaisa at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino