Inobasyon at konstruksyon ng imprastruktura, pasusulungin ng G20 Hangzhou Summit-ekonomistang Thai

2016-09-02 12:15:16

Mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre, 2016, idaraos sa Hangzhou, Tsina, ang G20 Summit. Sa kauna-unahang pagkakataon, inilakip sa mga nukleong paksa ang “inobasyon sa pamamaraan ng paglago.”

Sa panayam sa China Radio International, sinabi ni Huang Bin, beteranong ekonomista at dalubhasa ng Kasikorn Research Center ng Thailand, na para sa kabuhayan ng buong daigdig, ang kakulangan sa mabisang pangangailangan sa buong mundo, tuluy-tuloy at matumal na pamilihan ng malalaking paninda sa pandaigdigang kalakalan, at pagtaas ng di-tiyak na elemento sa kabuhayan at pulitika ng ilang rehiyon ay humantong sa pagbaba ng kabuhayang pandaigdig. Sa ika-13 panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina, iniharap at binigyang-priyoridad ang inobasyon. Nahaharap din aniya sa katulad na situwasyon ang kabuhayang pandaigdig. Kung babaguhin ang pamamaraan at isasaayos ang estruktura, saka lamang maisasakatuparan ang malakas, malusog, sustenable, at balanseng paglago, aniya pa. Kaya, sinabi niyang ang paglakip ng inobasyon sa pamamaraan ng paglago sa nukleong paksa ng G20 Summit ay makakabuti sa pagtalakay ng iba't ibang bansa sa pagtatakda ng bagong blueprint sa paglago ng kabuhayan. Ang bunga ng pulong ay makakatulong din sa pagpapataas ng nakatagong lakas ng paglago ng kabuhayang pandaigdig sa katamtaman at mahabang panahon, dagdag pa ni Huang Bin.

Ipinalalagay niyang sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, di-balanse ang pag-unlad ng iba't ibang bansa. Aniya, ang “Belt and Road” initiative na iniharap ng Tsina ay bubuo ng transnasyonal na supply chain, industry chain at value chain, para mapataas ang kita at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Ang napakalaking pangangailangan at kakayahan sa pagbili na dulot ng nasabing inisyatibo ay magsisilbi ring lakas-panulak sa pagpapasulong ng tuluy-tuloy na paglago ng kabuhayan.

Tinaya ni Huang na ang pagpapasulong sa paglago sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pamumuhunan sa imprastruktura ay unti-unting nagiging komong palagay ng G20. Aniya, ihaharap sa gaganaping summit ang mas marami at mabisang hakbangin sa pagpapasigla ng pamumuhunan sa imprastruktura.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino