Ban Ki Moon:G20 Summit sa Hangzhou, may dalawang breakthrough

2016-09-05 11:26:29 CRI

Setyembre, 4, 2016, HANGZHOU-Ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na natamo mga ng idinaraos na G20 Summit sa Hangzhou ang mga historical breakthrough sa pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad at pagharap sa pagbabago ng klima.

Pinasalamatan ni Ban ang ambag ng Tsina na gawing isa sa mga tema ng summit ang "2030 Agenda for Sustainable Development" ng UN. Aniya, pinasusulong ng Tsina ang pagtatakda ng mga kalahok na bansa ng plano ng aksyon para sa sustenableng pag-unlad. Ito aniya ay historikal na ambag.

Pinapurihan din ni Ban ang kooperasyon ng Tsina at Amerika sa pagharap sa pagbabago ng klima. Noong ika-3 ng buwang ito, magkasunod na isinumite ng mga pangulo ng Tsina at Amerika ang mga aprobadong dokumento ng "Paris Agreement" kay Ban Ki-moon. Ani Ban, kasunod ng paglahok ng Tsina at Amerika, 26 na iba pang panig ang sumapi sa "Paris Agreement," at ang kanilang kabuuang pagbuga ng greenhouse gas ay bumubuo sa 39% ng buong daigdig.

salin:wle



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino