Pangulong Ruso, kumakatig sa posisyon ng Tsina sa isyu ng SCS

2016-09-08 16:56:10

Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang pagsang-ayon ng kanyang bansa sa posisyon ng panig Tsino na hindi kinikilala ang kaso ng arbitrasyon at resulta ng kahatulan sa isyu ng South China Sea. Ipinalalagay niyang ang panghihimasok ng anumang malaking bansa sa labas ng rehiyong ito sa naturang isyu, ay nakakahadlang lamang sa kalutasan ng isyung ito.

Kaugnay nito, ipinahayag Huwebes, Setyembre 8, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang posisyon ni Putin ay kumakatawan sa makatarungang tinig ng komunidad ng daigdig. Lubos itong hinahangaan ng panig Tsino, aniya.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino