Tsina, buong tinding tumututol sa nuclear test ng NorKor

2016-09-09 15:37:23

Kaugnay ng muling pagsasagawa ng nuclear test ng Hilagang Korea, sinabi Biyernes, Setyembre 9, 2016, ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kabila ng unibersal na pagtutol ng komunidad ng daigdig, muling isinagawa ng Hilagang Korea ang nuclear test. Buong tatag na tinututulan ng Pamahalaang Tsino ang tungkol dito.

Anito, ang pagsasakatuparan ng target ng walang-nuklear na Korean Peninsula, pagpigil sa pagpapalaganap ng sandatang nuklear, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Hilagang Silangang Asya, ay buong tatag na posisyon ng panig Tsino. Mahigpit anitong hinihimok ng panig Tsino ang panig Hilagang Koreano na tupdin ang pangako nito, sundin ang may-kinalamang resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC), at itigil ang anumang aksyong posibleng magpapalala sa situwasyon.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino