Konstruksyon ng high-speed railway ng Tsina at Thailand, gagawin

2016-09-12 15:19:11

Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina - Ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 11, 2016, ni Prachin Chantong, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na dahil hindi pa nagkasundo ang Tsina at Thailand sa ilang probisyon sa kasunduang pangkooperasyon sa daam-bakal, sa pinakamaagang panahon, gagawin ang konstruksyon nito sa pagitan ng Bangkok at Kunming sa katapusan ng kasalukuyang taon, o sa unang dako ng susunod na taon.

Binuksan sa Nanning nang araw ring iyon ang Ika-13 China-ASEAN Expo (CAExpo). Dumalo rito ang delegasyong Thai na pinamumunuan ni Prachin Chantong.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi niya na sa aspekto ng pagpapalakas ng pagkakaibigan at pagtutulungang ASEAN-Sino, nakahanda ang kanyang bansa na gumanap ng konstruktibong papel. Aniya, sa mula't mula pa'y nagsisikap ang Thailand para maging tulay sa pagpapasulong ng konektibidad ng rehiyong ito sa iba't-ibang larangan.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino