Hun Sen, matinding tumututol sa panghihimasok ng panlabas na puwersa sa isyung panrehiyon

2016-09-12 15:59:38

Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina - Ipinahayag nitong Linggo, Setyembre 11, 2016, ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, ang buong tinding pagtutol sa panghihimasok ng ibang puwersa sa isyung panrehiyon, partikular na sa isyu ng South China Sea. Aniya, hindi dapat sirain ng maliit na problema lamang ang relasyong ASEAN-Sino, dahil ito ang mahalagang pundasyon ng kapayapaang panrehiyon.

Sinabi ni Hun Sen na sapul nang itaguyod ang China-ASEAN Expo (CAExpo), walang humpay na lumalaki ang halaga ng kalakalan ng dalawang panig. Ito rin aniya ay nakakapagpasulong sa talastasan at konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng dalawang panig. Para sa Cambodia naman, ang unti-unting paglaki ng bilang ng mga kalahok na mangangalakal ay nakakapagbigay ng oportunidad at plataporma para sa pagbebenta ng mas maraming panindang Kambodyano sa Tsina, aniya pa.

Idinagdag pa niya na ang pangangalaga sa relasyong ASEAN-Sino ay may mahalagang katuturan para sa dalawang panig. Sa isang makatarungang posisyon, magsisikap aniya ang Cambodia para mapangalagaan ang mapagkaibigang relasyong ASEAN-Sino.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino