Tsina, nakidalamhati sa pagpanaw ng mapagkaibigang personaheng Hapones

2016-09-13 10:09:16

Pumanaw kamakailan si Koichi Kato, dating Direktor-Heneral ng Liberal Democratic Party (LDP) ng Hapon at Puno ng Samahan ng Pagkakaibigan ng Hapon at Tsina. Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Setyembre 12, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pakikidalamhati ng panig Tsino sa pagyao ni Kato.

Ani Hua, si Ginoong Kato ay hindi lamang bantog na politikong Hapones, kundi mabuti ring kaibigan ng mga mamamayang Tsino. Noong buhay pa siya, gumawa siya ng mahalagang ambag para sa pagpapasulong ng relasyong Hapones-Sino at mapagkaibigang pagpapalitang di-pampamahalaan ng dalawang bansa, dagdag pa ni Hua.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino