Kooperasyong Sino-Biyetnames sa pagpigil at pagbabawas ng kalamidad, pasusulungin

2016-09-14 15:45:01

Kooperasyong Sino-Biyetnames sa pagpigil at pagbabawas ng kalamidad, pasusulungin

Beijing, Tsina - Kinatagpo nitong Martes, Setyembre 13, 2016, ni Zheng Guoguang, Puno ng Pambansang Kawanihang Meteorolohikal ng Tsina, si Tran Hong Ha, dumadalawa na Ministro ng Likas na Yaman at Kapaligiran ng Biyetnam. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyon sa pagpigil at pagbabawas sa epekto ng natural na kalamidad, pagharap sa pagbabago ng klima, pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon, at iba pang isyu.

Sinabi ni Zheng na bilang isa sa mga theme country, gumanap ang Biyetnam ng mahalagang papel sa matagumpay na pagdaraos ng kapipinid na Porum ng Kooperasyong Meteorolohikal ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ipinahayag naman ng panig Biyetnames ang pag-asang patuloy na kokompletuhin ng dalawang panig ang porma ng kooperasyon sa aspekto ng pagharap sa pagbabago ng klima, at pagpigil sa kapahamakang meteorolohikal.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino