Ika-13 CAExpo at CABIS, ipininid na

2016-09-14 18:39:54

Ika-13 CAExpo at CABIS, ipininid na


News Briefing ng Ika-13 CAExpo at CABIS

Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Tsina - Kasiya-siyang ipininid Miyerkules, Setyembre 14, 2016, ang apat (4) na araw na Ika-13 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).

Nagpokus ang naturang ekspo at summit sa konstruksyon ng pag-u-upgrade ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at nagtampok din sa pandaigdigang kooperasyon sa kakayahan ng produksyon. Puspusan din nitong pinasulong ang konstruksyon ng mga malalaking proyektong gaya ng China-ASEAN Information Harbor, at halatang tumaas ang natamong bisang pangkabuhayan at pangkalakalan nito.

Ayon sa news briefing nang araw ring iyon, sa panahon ng naturang ekspo, 56 na proyekto ng kooperasyong pandaigdig ang nalagdaan na sumasaklaw sa 15 bansa't rehiyon. 110 proyekto ng kooperasyong panloob ng bansa naman ang nalagdaan, at malinaw na tumaas ang kalidad ng nasabing mga proyekto.

Nakatakdang idaos ang Ika-14 CAExpo at CABIS sa Nanning mula ika-22 hanggang ika-25 ng susunod na taon. Ang Brunei ay magiging theme country nito.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino