19th International Leprosy Congress, pinasinayaan: mensaheng pambati, ipinadala ng Pangulong Tsino

2016-09-20 10:35:04

Beijing International Convention Center - Pinasinayaan nitong Lunes, Setyembre 19, 2016, ang Ika-19 na International Leprosy Congress.

Sa kanyang ipinadalang mensaheng pambati, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang "paglikha ng isang daigdig na walang Leprosy" ay ultimate aim ng pagkontrol sa sakit na ito sa buong mundo. Aniya, may positibong katuturan ang naturang pulong para maisakatuparan ang nasabing hangarin sa pinakamadaling panahon.

Ipinagdiinan din ng Pangulong Tsino na bagama't natamo ng usapin ng pagpigil at pagbibigay-lunas sa Leprosy sa daigdig ang napakalaking tagumpay, mahirap pa rin ang usaping ito. Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig, para makapag-ambag sa paglipol ng nasabing sakit sa buong daigdig, aniya pa.

Ang naturang pulong ay itinaguyod ng International Leprosy Association (ILA) na dinaluhan ng mahigit 1300 bantog na eksperto, iskolar, at kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig, organisasyong di-pampamahalaan, at halos 100 bansa't rehiyon na tulad ng Tsina, Amerika, India, at Brazil.

Salin: Li Feng


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino