UN Summit for Refugees and Migrants, binuksan: Karagdagang 100 milyong US Dollars, ipagkakaloob ng Tsina sa paglutas sa probelma sa mga refugees

2016-09-20 10:49:28

New York, Punong Himpilan ng UN - Binuksan Lunes, Setyembre 19, 2016, ang unang Summit for Refugees and Migrants ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN). Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagdaraos ng naturang summit sapul nang maitatag ang UN. Dumalo at bumigkas ng talumpati sa nasabing summit si Premyer Li Keqiang ng Tsina.  

UN Summit for Refugees and Migrants, binuksan: Karagdagang 100 milyong US Dollars, ipagkakaloob ng Tsina sa paglutas sa probelma sa mga refugees

Nagtalumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa summit.

Sinabi ni Premyer Li na ipagkakaloob ng Tsina ang karagdagang 100 milyong US Dollars para tulungan ang paglutas sa problema sa refugees na dulot ng malawakan at sapilitang paglikas ng mga tao.  

UN Summit for Refugees and Migrants, binuksan: Karagdagang 100 milyong US Dollars, ipagkakaloob ng Tsina sa paglutas sa probelma sa mga refugees

Nagtalumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa summit.

Ipinahayag niya na sa kasalukuyan, nagiging mas namumukod ang problema sa mga refugees at migrant, at nakakaapekto na ito sa kapayapaan at kaunlarang pandaigdig. Aniya, dapat bigyan sila ng totohanang tulong.  

UN Summit for Refugees and Migrants, binuksan: Karagdagang 100 milyong US Dollars, ipagkakaloob ng Tsina sa paglutas sa probelma sa mga refugees

Nagtalumpati si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa summit.

Ipinahayag ni Li na kung talagang nais lutasin ang nasabing problema, dapat lubos na patingkarin ang koordinadong papel ng mga organo ng UN, at dapat ding balangkasin at isagawa ang komprehensibo at sistematikong katugong kalutasan. Aniya pa, ang paglutas sa problemang ito ay higit pang nangangailangan ng sariling pagsisikap ng mga bansang pinagmumulan.  

UN Summit for Refugees and Migrants, binuksan: Karagdagang 100 milyong US Dollars, ipagkakaloob ng Tsina sa paglutas sa probelma sa mga refugees

Summit for Refugees and Migrants ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng UN.

Ipinagdiinan ng premyer Tsino na sa mula't mula pa'y lubos na pinahahalagahan at aktibong nilalahukan ng Tsina ang paglutas sa problema sa mga refugees at migrant. Bilang isang malaking umuunlad na bansa, nakahanda aniya ang Tsina na isabalikat ang responsibilidad na angkop sa sariling kakayahan. Isasagawa ng Tsina ang pakikipagtulungan sa mga may-kinalamang organong pandaigdig at mga umuunlad na bansa sa usaping ito, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino