Tsina, hinahangaan ang Cambodia sa pananangan sa patakarang "Isang Tsina"

2016-09-21 17:54:17

Kaugnay ng paglipat ng Cambodia ng kustodiya sa 63 suspek na karamihan ay mga Taiwanese na sangkot sa telecommunications fraud sa Mainland, ipinahayag Miyerkules, Setyembre 21, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na hinahangaan at pinasasalamatan ng panig Tsino ang Cambodia sa buong tatag na pananangan sa patakarang "Isang Tsina," at pakikipagtulungan sa panig Tsino sa pagbibigay-dagok sa mga transnasyonal na krimeng tulad ng telecommunications fraud. Ngunit, ipinahayag ng kaukulang departamento ng awtoridad ng Taiwan ang kalungkutan tungkol dito.

Ipinahayag ni Lu na ang naturang paglipat ay makakatulong sa lubusang pag-imbestiga sa kaso, at mabisang pagbibigay-dagok sa krimen. Ang mga ito aniya ay totohanang mangangalaga sa lehitimong karapatan at interes ng mga biktima, at nananalig siyang matatamo nito ang pag-unawa at pagkatig ng mga kababayan sa magkabilang pampang at komunidad ng daigdig.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino