PM ng Tsina at Canada, nag-usap: kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, pangunahing tinalakay

2016-09-23 15:20:23 CRI

Nag-usap sa Ottawa, Canada, Setyembre 22, 2016 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at kanyang Canadian counterpart na si Justin Trudeau.

Sa isang magkasanib na preskon, pagkaraan ng pag-uusap, ipinahayag ng dalawang PM na ang pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Canada ang pangunahing paksa sa kanilang pagtitipon. Sinang-ayunan anila ng dalawang panig ang sinimulang pagdaraos ng talastasan hinggil sa free trade agreement. Samantala, nakatakdang isakatuparan ng dalawang panig ang pagdo-doble ng kabuuang halaga ng kalakalan, bago ang taong 2025.

Ipinatalastas din ng Tsina at Canada ang opisyal na pagsasa-operasyon ng taunang mekanismong pandiyalogo ng PM ng dalawang bansa. Nilagdaan din ng dalawang panig ang 14 kasunduang pangkooperasyon sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, edukasyon, pinansya, katarungan, turismo, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino