Direct flight sa pagitan ng Sihanoukville Port ng Cambodia at Hebei ng Tsina, binuksan ng Tianjin Airlines

2016-09-23 16:32:57 CRI

Binuksan Huwebes, Setyembre 22, 2016 ng Tianjin Airlines, airliner na nakabase sa Tianjin, munisipalidad sa dakong hilaga ng Tsina, ang direct flight sa pagitan ng Sihanoukville Port sa dakong timog-kanluran ng Cambodia at Shijiazhuang, kabisera ng Hebei Province sa dakong hilaga ng Tsina.

Ang nasabing linya ng direct flight ay may tatlong lipad kada dalawang linggo. Ito ang ikalawang ruta sa pagitan ng Shijiazhuang at Cambodia. Ang unang linya ay sa pagitan ng Shijiazhuang at Siem Reap.

Salin: Jade
Pulido: Rhio


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino