Pinakamalaking radio telescope ng daigdig, nagsimulang tumakbo sa Tsina

2016-09-25 17:41:40 CRI CRI

Nagsimulang tumakbo ngayong araw, Linggo, ika-25 ng Setyembre 2016, sa kabundukan ng lalawigang Gansu, timog kanluran ng Tsina, ang pinakamalaking radio telescope ng daigdig.

Sinaksihan ng ilang daang astronomo at taong interesado sa astronomiya ang pagsasaoperasyon ng naturang teleskopyong tinatawag na Five-hundred-meter Aperture Spherical Telescope (FAST).

Kasinlaki ng 30 football field, ang teleskopyong ito ay makakatulong sa paghahanap ng extraterrestrial life at sa pagtuklas ng pinagmulan ng universe. Makakatanggap ito ng electromagnetic signal mula sa 13.7 bilyong light-year. Ang distansyang ito ay halos umaabot sa hanggahan ng universe.

Sinimulang itayo noong 2011 ang teleskopyong ito, at ang laang-gugulin ay umabot sa 180 milyong dolyares. Bukas ito sa paggamit ng mga astronomong Tsino at dayuhan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino