Mga PM ng Tsina at Kanada, dumalo sa porum sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan

2016-09-25 17:38:08 CRI

Mga PM ng Tsina at Kanada, dumalo sa porum sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan

Dumalo Biyernes, September 23, local time, sa Montreal, Kanada, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Justin Trudeau ng Kanada, sa ika-6 na porum sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Kalahok din sa porum ang mahigit 700 personahe mula sa sirkulo ng industriya at komersyo ng Tsina at Kanada.

Sa porum, kapwa ipinahayag ng mga PM ng Tsina at Kanada ang kahandaang buong sikap na pasulungin ang bilateral na relasyon at ibayo pang palakasin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ito anila ay para maghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina at Kanada.

Ipinahayag din nila ang pagkatig sa malayang kalakalan at maginhawang pamumuhunan sa daigdig, para palakasin ang kompiyansa sa pag-unlad ng pandaigdig na kabuhayan at kalakalan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino